Disaster Risk Reduction Management
Ang disaster ay isang pangyayaring karaniwang nararanasan sa mga panahong mga tao ay di handa. Ito ay hindi maaaring mapigilan nang sino man sa atin. Marahil ito ang pinaka delubyong maaaring matanggap ng isang tao. Kabilang rito ang mga pagbaha, pag guho ng lupa, pagsabog ng mga bulkan, bagyo at paglindol.
Ang hazards ay ang kalagayan ng isang lugar. Maaaring ito ay namimiligro o nanganganib sa oras ng sakuna. Ito ay sinusuri nang maigi sapagkat buhay ng tao ang naksalalay dito.
Dito rin papasok ang salitang risk. Risk ay ang posibilidad na pag guho ng isang gusaling malapit sayo o sa taong tutulungan mo. Risk ay ang pagkakataong di natin masasabi kung magkakatotoo o hindi.
Ang Capacity ay ang kakayanan ng isang tao o maraming tao na maghanda para sa mga paparating na disaster. Ito ay isinasagawa kabilang ang mga namamahala sa iyong tinitirhan upang magkaroon ng maayos na pagpupulong para sa pag iwas sa disaster.
Vulnerabilities naman ay halos katulad ng capacity. Parehas silang tumutukoy sa kakayanan ng mga taong maghanda upang mapigilan ang malawak na pagkasira o delubyo. At kabilang dito ang antas ng isang bansa. Tulad kunwari ng bansang Japan. Sila ay tinamaan ng isang malakas na lindol ngunit ang kanilang pundasyon ay di tuluyang nasira sapagkat sila ay may magandang materyales sa pag papagawa ng mga kalsada at gusali.
Natutunan ko sa seminar na aking pinuntahan sa UST (DRRM) ang mga ito. Lahat ito ay galing sa aking guro na si Ginoong Adrian Romero na ang risk ay ang pinag samang hazard at vulnerability. Syempre, kung kayo ay kabilang sa mga delikado na lugar, kunwaring may lindol, kayo ang unang guguho at masisira. Malaking posibilidad na maubos ang mga tao sa lugar niyo.
Mayroon ding participatory management. Ito ang pagbibigay pansin sa mga taong di lamang nasa baba, pati narin sa mga taong nasa itaas. Kailangan mabigyan sila ng atensyon sapagkat walang ligtas sa oras ng sakuna. Lahat tayo ay pwedeng mamatay.
Disaster resilience naman ay ang kapangyarihang taglay ng isang bayan na magtulungan upang labanan ang isang disaster na parating, kung sakali. Kung sabay sabay nating lalabanan at haharapin ang mga ito, malalagpasan natin ang anumang disaster na parating. Parang ito ay paghahalintulad sa isang taong mag isang namumuhay ngunit patuloy parin sa pagsabay sa agos ng buhay kahit na nag iisa na lamang siya.
Noong oras na naglaro kami ng bahay-bagyo-tao, napaisip ako na ganito pala ang mga tao. Sabihin na nating may parating na bagyo, tulad ng yolanda. Ang mga tao ay tatakbo at hihingi ng tulong kung san man may makakasagip sa kanila. Sila ay kakaripas papuntang mga bahay na ligtas gaya ng laro namin. Sa kasamaang palad, ako ay natalo at pinaharap sa maraming tao upang sumayaw.
Pagkatalo sa bahay-bagyo-tao
Matapos ang palaro, tinuruan kami tungkol sa pinaka basic na first aid. Magagamit namin ito kapag nakakita kami ng taong nakahiga at nagdurugo. Magagamit din namin ito sa aming pamilya kung sakaling magkaroon ng disgrasya.
Kung sakaling natagpuang tao ay walang malay at di makapagsalita, tignan muna ang lugar na pupuntahan. Tandaan na may risks sa paligid. Maaaring ang pupuntahan ay delikado (bumabagsak na bakal sa gusali). Matapos ito ay isang pagtawag ang kailangan. Humingi ng tulong sa ambulansya dahil hindi mo kaya nang mag-isa. Ngunit kailangan mo parin ito subukan nang mag-isa. (HOTLINE# 117) Una ay sabihin ang iyong pangalan, sumunod ay ang bilang ng mga biktima tapos ay ang lugar na pinangyarihan.
CPR
Habang wala pa ang ambulansya, suriin nang mabuti ang taong nakahimlay. Tanungin kung okay ba siya o hindi, tapik sa braso upang magkaroon ng reaksyon mula sa taong nakahiga. Kung siya ay di parin sumasagot sayo, mabuting gawin mo na ang CPR. Ito ay matutunan dito... https://www.youtube.com/watch?v=QFXCKAD12fI
Ang disaster ay kailanma'y di mahuhulaan kung kailan ito parating sa ating bansa. Kaya mabuting tayo ay handa sa anumang sakuna. Maganda rin na tayo ay mag aral mag ligtas ng taong nanganganib. Darating din tayo sa puntong tayo ay nasaktan at nangangailangan ng rescuer. Pag tayo ay handa, hindi tayo magkakaroon ng malawakang state of emergency.
Sa aming seminar, nagkaroon kami ng isang pagpupulong na binuo ng aming guro na si Ginoong Adrian Romero. Pinalagay niya samin ang aming mga lugar at ang mga hazards, vulnerabilities, capacities, at risks. Ang tawag dito ay PCVA Workshop.
Sabihin na nating ang lugar na babanggitin ay baguio. Ang sakunang maaaring tumama rito ay sunog, lindol, at malakas na bagyo.
Bali ganito:
Lugar - Baguio
Hazards - lindol, sunog, malakas na bagyo, landslide
Vulnerabilities - may mga taong umabuso sa kalikasan at nagpuputol ng mga puno, halos dikit ang mga bahay, bulubundukin at maaaring makaranas ng landslide
Capacities - sila ay madalas nakakaranas ng lindol kaya ang kanilang bayan ay maraming gamit sa panahon ng lindol. sila ay sabay-sabay na nagkakaisa upang maging handa sa sakuna
Paghahanda ito para sa presentation na ipapakita
kay Ginoong Adrian Romero
Dito sa pagpupulong na ito, maraming tao ang nagsabi ng kanilang mga naisip at napagtantuhan. Tama nga naman na walang mahirap o mayaman sa hagupit ng inang kalikasan. Lahat tayo ay nanganganib sa maaaring gawin ng mundo sa atin. Kaya, mabuting tayo ay tumutulong sa paghahanda dahil tayo rin ang makakatanggap ng benepisyo sa oras na ito. Kung ang isang bayan ay handa, walang taong magugutom pagtapos ng isang bagyo at maiiwasan ang pagkamatay ng mga tao.
Natutunan ko sa seminar na aking pinuntahan sa UST (DRRM) ang mga ito. Lahat ito ay galing sa aking guro na si Ginoong Adrian Romero na ang risk ay ang pinag samang hazard at vulnerability. Syempre, kung kayo ay kabilang sa mga delikado na lugar, kunwaring may lindol, kayo ang unang guguho at masisira. Malaking posibilidad na maubos ang mga tao sa lugar niyo.
Mayroon ding participatory management. Ito ang pagbibigay pansin sa mga taong di lamang nasa baba, pati narin sa mga taong nasa itaas. Kailangan mabigyan sila ng atensyon sapagkat walang ligtas sa oras ng sakuna. Lahat tayo ay pwedeng mamatay.
Noong oras na naglaro kami ng bahay-bagyo-tao, napaisip ako na ganito pala ang mga tao. Sabihin na nating may parating na bagyo, tulad ng yolanda. Ang mga tao ay tatakbo at hihingi ng tulong kung san man may makakasagip sa kanila. Sila ay kakaripas papuntang mga bahay na ligtas gaya ng laro namin. Sa kasamaang palad, ako ay natalo at pinaharap sa maraming tao upang sumayaw.
Pagkatalo sa bahay-bagyo-tao
Matapos ang palaro, tinuruan kami tungkol sa pinaka basic na first aid. Magagamit namin ito kapag nakakita kami ng taong nakahiga at nagdurugo. Magagamit din namin ito sa aming pamilya kung sakaling magkaroon ng disgrasya.
Kung sakaling natagpuang tao ay walang malay at di makapagsalita, tignan muna ang lugar na pupuntahan. Tandaan na may risks sa paligid. Maaaring ang pupuntahan ay delikado (bumabagsak na bakal sa gusali). Matapos ito ay isang pagtawag ang kailangan. Humingi ng tulong sa ambulansya dahil hindi mo kaya nang mag-isa. Ngunit kailangan mo parin ito subukan nang mag-isa. (HOTLINE# 117) Una ay sabihin ang iyong pangalan, sumunod ay ang bilang ng mga biktima tapos ay ang lugar na pinangyarihan.
CPR
Ang disaster ay kailanma'y di mahuhulaan kung kailan ito parating sa ating bansa. Kaya mabuting tayo ay handa sa anumang sakuna. Maganda rin na tayo ay mag aral mag ligtas ng taong nanganganib. Darating din tayo sa puntong tayo ay nasaktan at nangangailangan ng rescuer. Pag tayo ay handa, hindi tayo magkakaroon ng malawakang state of emergency.
Sa aming seminar, nagkaroon kami ng isang pagpupulong na binuo ng aming guro na si Ginoong Adrian Romero. Pinalagay niya samin ang aming mga lugar at ang mga hazards, vulnerabilities, capacities, at risks. Ang tawag dito ay PCVA Workshop.
Sabihin na nating ang lugar na babanggitin ay baguio. Ang sakunang maaaring tumama rito ay sunog, lindol, at malakas na bagyo.
Bali ganito:
Lugar - Baguio
Hazards - lindol, sunog, malakas na bagyo, landslide
Vulnerabilities - may mga taong umabuso sa kalikasan at nagpuputol ng mga puno, halos dikit ang mga bahay, bulubundukin at maaaring makaranas ng landslide
Capacities - sila ay madalas nakakaranas ng lindol kaya ang kanilang bayan ay maraming gamit sa panahon ng lindol. sila ay sabay-sabay na nagkakaisa upang maging handa sa sakuna
Paghahanda ito para sa presentation na ipapakita
kay Ginoong Adrian Romero
BRGY KALIGAYAHAN HALL
Ako ay nagtungo sa aming barangay hall at nakausap ko si KAGAWAD DIONISIO L. GASCON OF BRGY. KALIGAYAHAN NOVA. Q.C. Nagtanong ako tungkol sa plataporma nila kung sakaling magkaroon ng disaster sa aming barangay. Sinabi niya sakin na lahat ng subdivision na nasasakupan ng aming barangay ay may basketball court na maaring gawin na evacuation center. Sinabi niya rin sakin na may nakaimbak silang mga gamot, pagkain, at mga life kit tulad ng life boat. Sila ay naghahanda rin sa pamamagitan ng pag punta sa mga bahay upang magpaalala na kailangan nilang bumili ng disaster kit. Radio, flashlight, at marami pang iba. Namimigay rin sila ng libre ng mga ganito. At nagkaroon narin sila ng mga pagpupulong tungkol sa Disaster Management. Kabilang dito ang aming subdivision sa mga dumalo.
Circle = BRGY HALL
Arrow = Nearest basketball court

Letrato naming dalawa at kinuhanan ko
narin ang sangay ng barangay
Tinanong ko rin si kagawad tungkol sa mga projects na ginagawa ng barangay para sa kabataan, seniors, at mga babae. Sinabi niya sakin pagdating sa seguridad, ginagawa nila nang tama ang kanilang serbisyo. At sinabi niya sakin na ang 1% na kinikita ng barangay ay napupunta sa mga seniors. Kunwaring humingi ng tulong ang mga matatanda, agad agad nilang binibili ang kailangan. Marami silang sasakyan pang patrol. Mayroon din silang kilos para sa inang kalikasan. Tinatawag nila itong Green ECO. Sila ay nagtatanim ng mga puno. May pag aayos din sila ng traffic sa aming lugar. Pag dating naman sa hayop ay nagbibigay sila ng libreng turok, bakuna at anti rabbies. At may batas sila sa animal cruelty. Sa mga babae naman ay natutulungan nila ito kapag may umaabuso at bumabastos. Sila ay umaaksyon agad.Kumpleto sila sa aksyon pagdating sa aming barangay.
kabilang dito ang basketball court na sinasabi ko
pati narin ang mga sasakyan pang ronda
Matapos ko siyang kausapin tungkol nga sa mga yan, siguro magiging instrumento rin ako sa pag hahanda ng aming comunidad kung makikihalubilo ako nang maayos sa kanila. Susunod ako sa mga plano nila upang makapaghanda kami nang maagi. Hihikayatin ko rin ang mga tao dito sa bahay na makisabay sa akin. Ang aming barangay ay naghahanda narin sa the big one na baka dumating. Kailangan ko rin na sumama sa mga organisasyong tumutulong sa mga nasalanta. Siguro, kailangan din ng mga pilipino na makinig at tigilan ang pagsira sa mga bagay na nakaka apekto sa ating kalikasan. Mabuting ugaliin ang pagsama sa mga eco and peace advocates.
Kung makikipag ugnayan ako at manghihingi ng tulong sa mga vulnerabilities na meron ang aking komunidad, sasabihin ko na sana mabigyan kami ng pansin sapagkat kami ay nakalatay sa malaking risk at posibleng maging hadlang ito sa aming buhay. Gaya ng ginawa ko, kinausap ko ang namamahala nanag masinsinan.
Upang tuluyang maipaalam ang Disaster Risk Reduction Management sa mga namamahal, mabuting maging matapang na kumausap sa kanila. Ang pinaka akmang oras na makipag ugnayan sa kanila ay ngayon na. Di natin alam kung ano ang pwedeng mangyari sa atin. Mabuting tayo ay sagad sa paghahanda kesa naman salat. Ito ay ikagaganda rin ng mga taong nangangailangan. Kailangan ay lahat ng pilipino ay mag sama sama sa pag dinggin at pag sabi ng mga kailangan mabigyan ng pansin sa ating bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento